Ang piltrum (sa wikang Griyego: philtron, mula sa salitang philein, "pag-ibig; paghalik"), na tinatawag ding depresyong inpranasal o gutli sa ibabaw ng mga labi, ay isang patayong hukay sa ibabaw ng pang-itaas na labi, na nabubuo kung saan nagtatagpo ang mga prosesong nasomedyal at maksilyariya sa panahon ng paglikha at paglaki ng embriyo (embriyonikong pagsulong).

Pinahihintulutan ng pilprum na maipakita ng mga tao ang mas malawak na hanay ng mga galaw ng labi na kung wala ito ay magiging imposibleng gawin, napapabuti nito ang mga komunikasyong ginagamitan at hindi ginagamitan ng tinig.

Patolohiya

baguhin

Kung mabigong maghilom ang mga prosesong ito, nagkakaroon ng tinatawag na hiwa sa labi (Ingles: cleft lip) o labing pangkuneho o ngusong pangkuneho) (Ingles: hare lip). Maaring sintomas ng sindromeng pagkalasing ng fetus (Ingles: fetal alcohol syndrome) ang patag o malambot na piltrum.[1]

Etimolohiya

baguhin

Dating pinaniniwalaan ng mga sinaunang mga Griyego na isa sa pinakasensitibo o makilitiing mga lugar (sonang eroheno o madaling makaramdam) sa ibabaw ng katawan ng tao ang piltrum, kung kaya nagresulta sa katawagang ito.[2]

Mga kuwentong bayan

baguhin

Ayon sa Talmud ng mga Hudyo (mula sa Niddah 30b), nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa bawat sinapupunan at nagturo sa mga bata ng lahat ng mga karunungan maaaring likumin. Bago iluwal ang sanggol, sinasabing pipisilin ng anghel ang bata sa pagitan ng pang-itaas na labi at ng ilong na magreresulta sa pagkalimot ng sanggol sa mga naiturong karunungan. Matatagpuan ang mga komentaryo hinggil sa kuwentong ito sa What the Angel Taught You (Kung Ano ang Itinuro ng Anghel sa Iyo) ng rabbi na si Noah Weinberg at Yaakov Salomon (ISBN 1-57819-134-3).

Katulad din sa ibang mga kasabihang-bayan, sinasabi na may isang anghel na nagpapatigil sa bata na magkuwento tungkol sa kalangitan o makalimot habang nasa loob ng bahay-bata. Sinasabi ng ibang mga kuwento na bakas ng daliri ng Diyos na naiwan sa bibig ng bata ang piltrum. Sinasabi rin na iyon ang pook sa mukha ng bata kung saan inilagay ng anghel ang isang daliri para patigilin ang bata matapos pagsabihan ng isang lihim. Isinangguni ang kaalamang ito tungkol sa piltrum mula sa pelikulang The Prophecy (Ang Propeta o Ang Manghuhula) tungkol sa arkanghel na si Gabriel (na ginanapan ni Christopher Walken).

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-01. Nakuha noong 2007-10-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mga sangguniang eMedicineDictionary (Piltrum)