Ang Pastol ni Hermas

(Idinirekta mula sa Pastol ni Hermas)

Ang Pastol ni Hermas o The Shepherd of Hermas (Griyego: Ποιμήν του Ερμά; Hebrew: רועה הרמס‎ na minsang tinatawag lang The Shepherd) ay isang akdang Kristiyano ng ika-1 o ika-1 siglo CE na itinuturing na mahalagan aklat ng maraming mga Kristiyano at itinuturing na kanonikal ng ilang mga ama ng simbahan gaya ni Irenaeus. Ang Pastol ni Hermas ay nag-aangkin ng dakilang autoridad noong ika-2 hanggang ika-3 siglo CE. Ito ay kasama ng Bagong Tipan sa manuskritong Codex Sinaiticus at nakatala sa pagitan ng Mga Gawa ng mga Apostol at Mga Gawa ni Pablo sa stichometrikal na talaang Codex Claromontanus. Ang akdang ito ay binubuo ng limang mga pangitain, 12 mandato, at 10 parabula. Ito ay umaasa sa mga alegorya at nagbibigay ng espesyal na atensiyon sa Iglesia na tumatawag sa mga mananampalataya na magsisi ng mga kasalananan na nakapanganib dito. Ang aklat na ito ay orihinal na isinulat sa Roma sa wikang Griyego ngunit ang isang saling Latin ay ginawa sa sandaling isulat ito. Ang tanging ang bersiyong latin ang tanging naingatan ng buo. Sa Griyegong bersiyon, ang huling ika-5 o iba pa ay nawawala. Ang pastol ay isa sa mga kahulugan na malamang na nakakabit sa ilang mga pigurina ng Mabuting Pastol gayundin bilang simbolo ni Kristo o isang tradisyonal na paganong kriophoros.

Mga nilalaman

baguhin

Ang aklat na ito ay binubuo ng limang mga pangitan na ibinigay kay Hermas na isang dating alipin. Ito ay sinundan ng 12 mga mandato o utos at 10 mga similitudo o parabula. Ito ay sandaling nagsisimula sa unang persona: "Siya na bumili sa akin ay ipinagbili ako sa isang Rhoda na nasa Roma. Pagkatapos ng ilang mga taon akin siyang muling nakatagpo at sinimulang ibigin siya bilang isang kapatid na babae.". Habang si Hermas ay nasa kalye tungo sa Cumae, siya ay nagkaroon ng pangitain ng Rhoda na ipinagpalagay na patay na. Sinabi ni Rhoda na siya ang kanyang tagapag-usig ni Hermas sa langin sa salaysay na hindi malinis na akalang ang(ikinasal) na tagapagsalaysay na minsang meron nito tungkol sa kanyan bagaman sa padaan lamang. Si Hermas ay dapat manalangin para sa kapatawaran para sa sarili nito at ng buong sambahayan nito. Si Hermas ay inaliw ng isang pangitan ng Iglesia sa anyo ng isang may edad na babae, mahina, at walang magawa sa mga kasalanan ng mga mananampalataya na nagsasabi kay Hermas na gumawa ng penitensiya at tuwirin ang mga kasalanan ng kanyang mga anak. Kalaunan ay nakita niya ang matandang ito na bumata sa pamamagitan ng pagtitika ngunit kumulubot at may putong buhok; pagkatapos muli, bilang isang medyo bata ngunit meron pa ring puting buhok; at sa huli, ipinakita ng babaeng ito ang sarili nito bilang maluwalhati bilang isang babaeng bagong kasal. Ang wikang alegorikal na ito ay nagpapatuloy hanggang sa ibang mga bahagi ng aklat. Sa ikalawang pangitain, binigyan nito si Hermas ng isang aklat na kalaunang kanyang binawi upang muling magdagdag dito. Ang ikalimang pangitain na kinakatawan bilang nangyayari mga 20 araw pagkatapos ng ika-apat ay nagpakilala ng "Anghel ng pagtitika" sa anyo ng isang pastol na pinagkuhanan ng pangalan ng buong aklat. Ang anghel na ito ay naghati ng sunod sunod na mga mandato(entolai) kay Hermas na bumuo ng interesanteng pag-unlad ng sinaunang etikang Kristiyano. Ang isang punto na nararapat ng isang espesyal na pagbanggit ang asersiyon ng obligasyon ng asawa na muling tanggapin ang nangalunyang asawa nito sa pagsisi nito. Ang ikalabing isang mandala sa pagpapakumbaba ay umuukol sa mga bulaang propeta na nagnanais na sakupin ang unang mga silya(na masasabingb sa mga presbitero). Ang ilan ay nakita ang reperensiya rito kay Marcion na dumatin sa Roma noong mga 140 CE at nagnais na matanggap sa mga saserdote(priests) o posibleng maging obispo ng Roma. Pagkatapos ng mga mandato ay dumating ang 10 similitidu(parabolai) sa anyo ng mga pangitain na ipinaliwanag ng anghel. Ang pinakamahaba sa mga ito(Similitudong 9) ay paglilinaw ng parabula ng pagtatayo ng isang tore na bumubuo ng bagay ng ikatlong pangitain. Ang tore ang Iglesia at ang mga munting bato na pinagtayuan nito ang mga mananampalataya. Ngunit sa ikatlong pangitan, mukhang tila ang banal ang tanging bahagi ng Iglesia. Sa Similitudong 9, maliwanag na itinuro na ang lahat ng mga bautisado ay kabilang ngunit ang mga ito ay maaring patalsikin para sa mga masidhing kasalanan at muling tanggapin lamang pagkatapos ng pagsisisi. Sa kabila ng masidhing mga paksa, ang aklat ay isinulat sa napaka-optimistiko at may pag-asang tono tulad ng mga sinaunang akdang Kristiyano.

Kristolohiya

baguhin

Sa parabulang 5, ang may-akda ay bumabanggit ng isang Anak ng DIyos bilang isang matuwid na lalake na punong puno ng Banal na "pre-eksistenteng espiritu" at inampon bilang Anak na lalake. Sa ika-2 siglo CE, ang adoptionismo na pananaw na si Hesus ay isa lamang mortal na tao ang isa sa magkakatunggaling mga doktina tungkol sa tunay na kalikasan ni Hesus. Ang iba pang pananaw ay si Hesus ay umiral na bago pa bilang tao bilang isang diyos na espiritu(divine spirit o Logos). Ang pagkakalinlan ni Hesus sa Logos(Juan 1:1) ay pinagtibay noong 325 CE sa Unang Konseho ng Nicaea.