Ang pakpak ay isang bahagi na nagpapalipad sa mga ibon o sa mga eroplano sa hangin. Isang uri ito ng palaypay o palikpik na lumilikha ng pag-angat, habang gumagalaw sa pamamagitan ng hangin o ibang pagdaloy.

Isang naka-swept na pakpak ng KC-10 Extender (nasa itaas) na nilalagyan ng gas ang isang hugis-trapesoid na pakpak ng F-22 Raptor

Sa kalikasan

baguhin

Sa kalikasan, nabago ng ebolusyon ang mga kulisap, pterosauria, dinosauro (mga ibon), at mamalya (mga paniki) sa pagkakaroon ng pakpak bilang isang paraan ng lokomosyon. Ang mga iba't ibang espesye ng mga penguin at ibang lumilipad o di-lumilipad na mga ibong pantubig tulad ng mga auk, cormorant, guillemot, shearwater, eider at bibeng scoter at sumisisid na petrel ay mga masugid na manlalangoy, at ginagamit nila ang kanilang pakpak upang makabunsod sa tubig.[1]

Mga anyo ng pakpak sa kalikasan

Mga sangguian

baguhin
  1. "Swimming" (sa wikang Ingles). Stanford.edu. Nakuha noong 2012-04-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)