Karaniwang sipon
Ang sipon o karaniwang sipon (Ingles: common cold, colds) ay ang karaniwang dulot ng iba't ibang mga uri ng birus, alerhiya, pagbabago ng panahon, at pagiging malamig ng panahon.[1]
Karaniwang sipon | |
---|---|
Isang representasyon ng ibabaw ng molekula ng isang baryante ng rhinovirus. | |
Espesyalidad | Family medicine, infectious diseases, otolaryngology |
Mga lunas
baguhinKabilang sa mga panlunas at paggamot sa karaniwang sipon ang pag-inom ng maraming tubig, katas ng kalamansi o iba pang uri ng narangha, mga sabaw na mainit at salabat. Nakakabawas ng konhestiyon o pagbabara ng ilong at ng lalamunan ang pag-inom ng ganitong mga uri ng pluwido. Hindi iminumungkahi ang pag-inom ng alak, kape, at softdrinks dahil sa nakapagpapalala ang mga ito ng kakulangan sa tubig ng katawan. Nakakatulong din sa pagtanggal ng sipon ang pagmumumog ng tubig na may asin, na nakakatulong sa pagbawas o pag-alis ng pamamaga ng lalamunan. Ang taong may sipon (maliban na lamang ang mga bata na may edad na 4 pababa) ay karaniwang pinaiinom ng mga gamot sa sipon, na bagaman hindi nakapagpapagaling ng sipon ay nakapagpapaginhawa sa taong may sipon, katulad ng mga decongestant (pantanggal ng pagbabara sa ilong) na Neozep, Decolgen at Medicol, na maaaring nasa anyo ng tableta o sirup. Kailangan ang pagpapatingin sa manggagamot kapag hindi nawala ang sipon sa loob ng isa hanggang dalawang mga linggo.[1]