Ang drama ay isang spesipikong moda ng kathang-isip na kinakatawan ang pagkakaganap.[1] Hango ito sa Griyego na nangangahulugang "aksiyon" (Klasikong Griyego δράμα), na hinango mula sa "gagawin" (Klasikong Griyego δράω).

Ang mga maskara ng trahedya at komedya, Romanong mosaiko

Ginaganap ang mga drama sa iba't ibang media: teatro, radyo, pelikula, at telebisyon. Kadalasang may kasamang musika at sayaw: inaawit sa buong katagalan ang drama sa opera; kabilang sa mga musikal ang sinasalitang usapan (dialogue) at mga awitin; at ilang mga anyo ng drama na may instrumentong musikal (halimbawa, melodrama at ng mga Hapon).[2] Sa ilang panahon ng kasaysayan (ang lumang Romano at bagong Romantiko), sinulat ang mga drama upang basahin sa halip na ginaganap.[3] Sa improvisation (pagsasagawa ng kusa), wala pa sa simula ang mga sandali ng pagkakaganap ng drama; gumagawa ang mga gumaganap ng isang dramatikong script ng kusa sa mga manonood.[4]

Konteksto

baguhin

Sa kontekso ng pelikula, telebisyon at radyo, inilalarawan ng drama ang kategorya ng kuwentong kathang-isip na nilalayon na maging mas seryoso kaysa sa nakakatawa na tono, nagbibigay-diin sa pag-unlad ng makatotohanan na katauhan na kailangan humarap sa mga makatotohanang emosyonal na problema. Ang drama ay karaniwang itinuturing na kabaligtaran ng komedya, pero maaari rin ito ihiwalay sa iba pang mga gawa ng ilang malawak na kategorya, tulad ng pantasiya. Upang malaman ang kaibahan ng drama bilang isang kategorya ng kwentong kathang-isip  mula sa paggamit ng parehas na salita pero ang ibig sabihin ay ang madalas na pag kukuwento bilang isang paraan ng pagganap sa buhay, ang salitang drama ay madalas na isama bilang bahagi ng isang parirala upang tukuyin ang kahulugan nito. Halimbawa, bilang isang kategorya sa telebisyon, mas karaniwan ang mga tiyak na salita na palabas sa kategoryang drama, seryeng pandrama, pampalabas na drama at pangtelebisyon na drama sa Estados Unidos; pagproprograma ng drama bilang isang kategorya sa United Kingdom; o telegrama sa Sri Lanka. Sa kamalayan ng kategoryang pelikula, ang karaniwan na termino ay pelikulang drama. 

Mga dramatikong tema tulad ng alkoholismo, pang-aabuso sa bata, pagtungtong sa wastong edad, adiksyon sa droga, emosyon, pag-asa, pagtataksil, balakid sa moralidad, kapinsalaan sa ibang lahi, kawalang-paraya sa relihiyon, sekswalidad, kahirapan, pagpapangkat ng iba't ibang uri, karahasan laban sa kababaihan, katiwalian na naglalagay sa mga tauhan ng problema sa isa't isa, sa ibang tao, sa lipunan, at sa likas na pangyayari. Ang drama ay isa sa mga kategorya sa mga pelikula na mayroong sub-genera tulad ng dramang romantiko, mga pelikula tungkol sa digmaan, mga pelikula tungkol sa pampalakasan, dramang sa isang panahon sa kasaysayan, drama sa korte, at krimen. 

Ang nasa sentro ng drama ay madalas isang tauhan o mga tauhang may problema at nasa mahalagang sandali sa kanilang buhay. Sila ay madalas na umiikot sa paligid ng mga pamilya; mga pelikula tulad ng "karaniwang tao" na sinusuri ang kaloob-looban ng buhay upang tanungin ang malaking katanungan at tumatak sa pinakamalalim na emosyon ng mga tao. Ang drama ay madalas, ngunit hindi palagi, na may trahedya o masakit na resolusyon at pag-aalala ng kaligtasan sa isang trahedya tulad ng pagkamatay ng isang miyembro sa pamilya o sa diborsyo. 

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Elam (1980, 98).
  2. Tingnan ang mga pinasok sa "opera", "musikal pang-teatro, Amerikano", "melodrama" at "Nō" sa Martin Banham, (ed.) The Cambridge Guide to Theatre (1998).
  3. Bagaman may ilang pagtatalo sa mga dalubhasa sa kasaysayan ng teatro, maaaring hindi binalak na ganapin ang mga palabas sa entanblado ng mga Romanong Seneca. Isang halimbawa ng 'dramatikong tula' ang Manfred ni Byron. Tingnan ang mga lahok sa "Seneca" at "Byron (George George)" sa Martin Banham, (ed.) The Cambridge Guide to Theatre (1998).
  4. Ilang anyo ng improvisation, katulad ng Commedia dell'arte, nagbibigay sila ng batayan ng 'lazzi' o magalas na balangkas ng matagpong aksiyon (tingnan Gordon (1983) at Duchartre (1929)). Kinuha ang lahat ng anyo ng improvisation sa madaling tugon sa bawa't isa, ang situwasyon ng kanilang karakter (na kadalasang paunang nakakatag), at, kadalasan, ang kanilang interaksiyon sa mga manonood. Sina Joan Littlewood at Keith Johnstone sa Britanya at Viola Spolin sa Estados Unidos ang klasikong pormulasyon ng improvisation sa teatro. Tingnan Johnstone (1981) at Spolin (1963).