Translation prepared by Alex Hillsberg and Julia Trello for FinancesOnline.com

Business Applications | Software Reviews | Software Alternatives | Software Comparisons

WebAIM Talasanggunian ng Section 508

Mga Pagsasalin

Ang mga pagsasalin ng pahinang ito ay maaring basahin sa mga sumusunod na wika:

And dokumentong ito ay isang pagsasalin at maaring naglalaman ng hindi akmang pagtutugma sa orihinal na teksto. Ang pagsasalin ay kaloob ni Alex Hillsberg. Maaaring tingnan ang tekstong Ingles dito.

Part 1: Patungkol sa HTML

Ang mga sumusunod na pamantayan ay hango sa Section 508 ng Rehabilitation Act, §1194.22. Ang batayan ng pasado at hindi pasado ay pagbibigay-kahulugan lamang ng pamantayang web ng Section 508. Ang talasanggunian na ito ay hindi kabilang sa opisyal na dokumentasyon ng Section 508. Ang buong teksto ng Section 508 ay matatagpuan sa opisyal na508 web site.- external li

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(a) Magbigay ng katumbas na teksto para sa lahat ng elementong hindi teksto (e.g., gamit ang "alt", "longdesc", o di kaya sa mismong nilalaman ng elemento). Lahat ng larawan, applet, embedded media, plug-in, atpb. na may nilalaman ay may katumbas na teksto (alt, longdesc, o sa konstekto ng elemento). May elementong hindi teksto na walang katumbas, hindi maayos ang katumbas, o kaya ay hindi nailarawan ng teksto na kalapit nito.
Payak ang katumbas na teksto (kung simple ang bagay) at hindi malabo (kung mahirap unawain ang bagay na inilalarawan). Maligoy ang katumbas na teksto ("larawan ng...", "imahen ng...", atpb.), o di kaya ay malabo, nakakalinlang, mali, o paulit-ulit lamang.
Ang ma larawang mahirap unawain (graphs, charts, etc.) ay may kasamang katumbas na teksto sa loob ng pahina, o may panlaktaw sa ibang pahina o di kaya ay may longdesc na katangian. [Pansinin 1] Ang ma larawang mahirap unawain (graphs, charts, etc.) ay walang kasamang katumbas na teksto at kung meron man ay hindi sapat.
Ang mga larawan na may kaakibat na gawain (halimbawa may panlaktaw o mapa) ay may katumbas na teksto na nagsasaad sa gawaing ito. Walang katumbas na tekstong nagsasaad ng gawain ang mga larawan na may kaakibat na gawain.
Ang mga larawang palamuti lang ng CSS ay kailangan null/empty ang alt values (alt=""). Kung ang larawang ay may teksto na kasama sa konstekto, ang alt text ay dapat blanko ng maiwasan ang paguulit-ulit. Ang mga larawang palamuti ay may alt text na "spacer", "decorative graphic," o iba pang tekstong hindi kailangan. May mga larawan na ang alt text ay pareho lamang ng tekstong halos katabi lang ng larawan.
May transcript na kasama ang nilalamang audio. Walang transcript na kasama ang nilalamang audio.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(b) Ang mga panghalili at katumbas ng nilalamang multimedia ay kaalinsabay na tumatakbo dito. Ang mga caption ng video at live audio broadcast ay kaalinsabay. Ang mga caption ng video at live audio broadcast ay hindi kaalinsabay.
Ang nilalaman na may video ngunit walang audio ay may kasamang paglalahad ng audio na nababasa. Walang kasamang paglalahad and video na walang audio.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(c) And disenyo ng web pages na may pinapaabot sa pamamagitan ng kulay ay kailangan maintindihan din sa ibang paraan bukod sa kulay. Hindi tanging kulay lang ang gagamitin sa pagpapabot ng mahalagang impormasyon. Tanging kulay lang ang ginamit na paraan ng pagpapaabot.
Sapat ang kaibhan ng may kulay na elemento. Hindi sapat ang kaibhan.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(d) Ang pagkakalatag ng mga dokumento ay sa paraang nababasa ng maayos kahit hindi gamit ang style sheet. Maaaring gumamit ng style sheet, ngunit nababasa pa rin ang dokumento kahit naka-off ito. Nagiging magulo ang dokumento at may nawawalang impormasyon kung naka-off ang style sheet.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(e) Mabigay ng link para sa bawat active region ng isang server-side image map.

Client-side image map ang gamit sa halip na server-side image maps. May katumbas na teksto ang mga larawan at bawat hot spot nito.

Server side image map o di-magamit na client-side image map ang ginamit.
(f) Client-side image map ang gamitin sa halip na server-side image map kung may mga bahaging hindi kayang ilarawan ng mga hugis.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(g) May talaan ang row at column headers ng mga talahanayan. Ang mga talahanayan ay may row at column row header na may karamapatang tatak (gamit ang elementong <th>). Ang mga talahanayan ay walang header row o column.
Kung ang talahanayan ay ginamit upang mag-layout huwag gamiting ang elementong <th>. Ang mga talahanayan ay may header gayong dapat ay wala.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(h) Markup ang gamitin upang i-ugnay ang data cells at header cells sa mga talahanayan na may dalawa o hight pang antas ng row o column header. Ang cells nga mga talahanayan ay inugnay gamit ang scope o id/headers na katangian. Ang cells nga mga talahanayan ay nakakabit ng maayos o mali ang pagkakabit sa column at row header.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(i) Ang mga frames ay may pamagat na teksto na nakakatulong sa pagkilala at pagsubaybay. Bawat frame ay may pamagat na nagsasaad ng layon o nilalaman. Ang frame ay walang title o may title na hindi maayos ang paglalarawan ng layon at nilalaman.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(j) Ang disenyo ng pahina ay dapat iwasan ang pagkutitap ng screen sa frequency na higit sa 2 Hz at mas mababa sa 55 Hz. Walang elemento sa pahina na kumukutitap sa tulin na labas sa 2 hanggang 55 cycles bawat segundo, upang bawasan ang panganib ng optically-induced seizures. May mga elemento sa pahina na kumukutitap sa tulin na labas sa 2 hanggang 55 cycles bawat segundo, na dagdag-panganib sa optically-induced seizures.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(k) Isang pahinang pawang teksto lamang, na may kumpletong impormasyon at gawain, ay kailangang kalakip ng isang web site upang sumunod sa pamantayang ito kung walang ibang paraan na maaari. Ang konstekto ng pahinang ito ay babaguhin kaalinsabay ng pangunahing pahina. Isang pahinang pawang teksto lamang ang nilikha kung walang ibang paraan na ipaabot ang nilalaman o kung makakatulong sa may mga kapansanan. Walang pahinang pawang teksto lamang, o kung mayroon man ay hindi nagagamit.
Magkasinghalintulad ang nilalaman ng pahinang pawang teksto sa pangunahing pahina. Hindi magkasinghalintulad ang nilalaman ng pahinang pawang teksto sa pangunahing pahina.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(l) Kung ang pahina ay gumagamit ng scripting languages upang ihayag ang nilalaman, o lumikha ng interface elements, ang impormasyon na nakasaad sa script ay may teksto na nababasa ng teknolohiyang gamit ng mga may kapansanan. Ang nilalaman at gawain na kaloob ng scripting ay nababasa ng teknolohiyang gamit ng mga may kapansanan o ng keyboard. Ang <noscript> na nilalaman ay hindi sapat na panghalili. Ang nilalaman at gawain na dulot ng scripting ay hindi nababasa ng teknolohiyang gamit ng mga may kapansanan.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(m) Kung ang web page ay may applet, plug-in o ibang application na kailangang ng client system , kailangan ng pahina ang panlakataw papunta sa plug-in o applet na sumusunod sa §1194.21(a) hanggang (l).
[Pansinin 2]
[Pansinin 3]
May panlaktaw papunta sa pahina kung saan maaring mag-download ng plug-in. Walang panlaktaw papunta sa pahina kung saan maaring mag-download ng plug-in.
Lahat ng applet, script at plug-in (kasama ang PDF at PowerPoint files, atpb.) at ang mga nilalaman nito ay nababasa ng teknolohiyang gamit ng mga may kapansanan, o may ibang paraang kalakip upang mabasa ito. Hindi nababasa ang mga applet, script at plug-in ng teknolohiyang gamit ng mga may kapansanan, at walang ibang paraan upang basahin ito.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(n) Ang mga elektronikong talaan na naglilikom ng impormyon ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng teknolohiyang gamit ng mga may kapansanan. Gamit ito, maaaring punan ang kailangan, sundin ang mga direksyon, at isumite ang talaan. Ang mga elementong <input>, <textarea>, at <select> ay may elementong label na kakabit o di kaya ay binigyan ng makahulugan na title na katangian. Walang maayos na kaugnayan ang form element at ang label nito.
Ang scripting ng form element ay hindi nakakasagabal sa assistive technology o sa keyboard. Ang scripting nakakasagabal sa assistive technology o sa keyboard.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(o) Bigyan ng paraan ang mga gumagamit upang laktawan ang paulit-ulit lang na bahagi. May panlaktaw na maaring gamitin upang laktawan ang paulit-ulit lang na bahagi. Makakatulong din ang maaayos na pagsalansan ng mga pamagat. Walang paraan upang upang laktawan ang paulit-ulit lang na bahagi.

PAMANTAYANG 508 PASADO HINDI PASADO
(p) Kung inoorasan ang tugon, kailangang malaman ng mga gumagamit na kailangan nila ng mas mahabang oras. Maaaring baguhin ng mga gumagamit ang oras na binigay upang tumugon. Kailangang tumugon ang mga gumagamit sa loob lamang ng takdang oras.

Pansinin 1: Hanggang hindi pa gaanong maayos ang suporta ng longdesc na katangian makakabuting gamitin ito kasabay ng panlaktaw tungo sa mas mahabang paglalarawan.

Pansinin 2: Ang standalone media player ay mas madaling gamitin kun ihahambing sa media player na nakapaloob sa nilalaman.

Pansinin 3: Maaring gawing accesible ang PDF file sa mga gumagamit ng screen reader, ngunit makabubuti na din na lakipan ng HTML na katumbas. Kailangan din ng angkop na katumbas ang PowerPoint files.


Part 2: Scripts, Plug-ins, Java, atpb.

Ang mga sumusunod na pamantayan ay hango sa Section 508 ng Rehabilitation Act, §1194.21. Ang buong teksto ng Section 508xternal lin.

PAMANTAYANG 508
(a) Kung ang software dinisenyo upang gumana sa sistemang may keyboard, ang mga gawain nito ay kailangang napapagana mula sa keyboard kung saan ang gawain at resulta nito ay nababasa sa paraang tekstual.
(b) Ang mga applications ay hindi pinapatid o pinipigilan ang mga tampok na sadyang linaan para sa mga may kapansanan, kung ang mga tampok na ito ay naaayon naman sa mga pamantayan ng industriya. Ang mga applications ay hindi din pinapatid o pinipigilan ang mga operating system na sadyang para sa mga may kapansanan kung ang application programming interface nito ay dokumentado ng maayos at nagagamit ng mga gumagawa ng produkto.
(c) Naisasaad ang kasalukuyang focus sa screen at ito ay gumagalaw kaalinsabay ng interactive interface elements habang nagbabago ang input focus. Ang programa ng focus ay kailangang batid ng mga programmer ng assistive technology upang ang focus at pagbabago nito ay nasusubaybayan.
(d) May sapat na impormasyon tungkol sa user interface element kasama na ang identity, operation at estado ng elemento na nagagamit ng assistive technology. Kung ang isang larawan ay bahagi ng programa, ang impormasyon nito ay kailangang may katumbas na teksto.
(e) Kung larawang bitmap ang ginamit pantatak ng control, status indicator, o iba pang elemento ng programming, ang kahulugan ng mga larawang ito at kailangang naalinsunod at hindi pabago-bago sa kabuuan ng application.
(f) May tekstual na impormasyon ang mga tampok ng operating system na ginagamit upang maglahad ng teksto. Ang pinakakaunting impormasyon ay kinabibilangan ng text content, text input caret location, at text na mga katangian.
(g) Hindi sinasapawan ng application ang contrast, kulay, at iba pang pang-display na katangian na tinakda ng gumagamit.
(h) Kung may animation na pinapakita, ang impormasyon tungkol dito ay naipapakita sa kahit isang paraan na walang animation ayon sa kagustuhan ng gumagamit.
(i) Hindi sapat na tanging kulay lamang ang gamiting upang ipaabot ang impormasyon, magpahiwatig ng gawain, humingi ng tugon, o kilalanin ang kaibhan ng elementong nakikita.
(j) Kung pinahihintulutan ng produkto ang gumagamit na baguhin ang kulay at contrast, maraming kulay ang mapagpipilian at may kakayahang gumawa ng iba-ibang antas ng contrast.
(k) Ang software ay hindi gumagamit ng kumukutikutitap na teksto at iba pang elemento na higit ang tulin sa 2 Hz at mas mababa sa 55 Hz.
(l) Ang mga elektronikong talaan na naglilikom ng impormyon ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng teknolohiyang gamit ng mga mga kapansanan. Gamit ito, maaaring punan ang kailangan, sundin ang mga direksyon, at isumite ang talaan.

Copyright 2013 - WebAIM

WebAIM is an initiative of:
Center for Persons with Disabilities (CPD) Utah State University